Sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) para sa panukalang 2024 budget, ikinalugod ni Villanueva ang P9.18 bilyong alokasyon para sa mga programang makakatulong para madagdagan ang trabaho sa bansa.
Kabilang dito ang Government Internship Program, Special Program for Students, Jobstart Philippines, Supporting Innovation in the Philippine Technical and Vocational Education and Training System, Special Training for Employment Program, Training for Work Scholarship Program at Tulong Trabaho Scholarship Program.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), may malaking mismatch o hindi tugma ang skills ng mga school graduates sa mga oportunidad sa trabaho sa ilang sektor na may kaugnayan sa digital technology at green economy.
“This is exactly why we need a reskilling and upskilling revolution to have a competitive and resilient workforce for the 4th Industrial Revolution so that our people will have a better shot at sustainable and quality employment,” pahayag ni Villanueva.
Ayon pa kay Villanueva, ang pabago-bagong unemployment rate ay bunga ng tinatawag na “seasonal jobs” partikular na tuwing Kapaskuhan.