Hijos ng Black Nazarene inireklamo si Pura Luka Vega

Nagpapatuloy ang intindihin ni Pura Luka Vega kaugnay sa sinasabing paglapastangan niya sa awiting “Ama Namin” at sa Itim na Nazereno.

Kasunod ito nang paghahain ng pormal na reklamo ng Hijos del Nazareno – Central laban sa drag queen na Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay, sa Manila City Prosecutors Office.

Ang mga “hijos” ang nangangalaga sa imahe ng Itim na Nazareno sa tuwing nagsasagawa ng “Traslacion” kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo.

Relamo ng mga “hijos” nilabag ni Pagente ang Article 201 ng Revised Penal Code o para sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows,” gayundin ang paglabag sa Cyber Crime Prevention Act.

Magugunita na noong Hulyo, naging viral sa social media ang video ng performance ni Pagente sa isang bar na ginaya ang Itim na Nazareno at inawit ng rock-style ang “Ama Namin.”

Umani ng kaliwat-kanang batikos si Pagente mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan, kabilang na ang Simbahang Katoliko.

Inireklamo na rin siya ng born-again pastors sa Quezon City Prosecutors Office at binansagan na “persona non grata” sa ilang lugar, kabilang na sa Maynila.

 

 

Read more...