Pagtaas ng presyo ng school supplies pasok sa DTI SRP

CHONA YU PHOTO

Binisita ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa mga tindahan ng school supplies sa Divisoria, Maynila.

Ayon kay Pascual, base sa kanyang pag-ikot, normal naman ang presyo ng mga bilihin gaya ng notebook, papel, lapis, ballpen at iba pa. Kung may mataas man aniya na presyo sa mga gamit pang-eskwela, pasok pa rin naman ito sa suggested price (SRP) na itinakda ng DTI. Dagdag pa ng kalihim may ilang tindahan sa Divisoria ang kinakapos sa suplay ng notebook at papel. Pero aniya mistulang kinokondisyon ng mga negosyante na kapos ang suplay ng papel sa merkado. Pero hindi aniya ito totoo dahil base sa kanyang pag-ikot sa mga malalaking tindahan ng bookstore at school supplies, sapat at normal naman ang suplay ng papel.

Read more...