Kinalampag ng National Commission for Senior Citizens ang mga online seller na magbigay ng 20 percent discount sa mga senior citizens na customers.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni NCSC chairman Franklin Quijano, Agosto noong nakaraang taon nang aprubahan ang Republic Act 994 o ang batas na nagkakaloob ng mga dagdag na benepisyo at prebelehiyo sa mga senior citizens.
Pero nakadidismaya dahil hanggang ngayon, hindi naman binibigyan ng discount ang mga matatanda na bumibili sa pamamagitan ng online transactions tulad ng gamot, pagkain, groceries at iba pa.
Sakop din aniya sa discount ang pamasahe o pagbili ng tiket sa mga pampublikong transportasyon tulad ng bus, eroplano at barko na ginagawa na rin sa pamamagitan ng online.
Kaugnay nito, hinikayat ni Quijano ang mga senior citizens na magsumbong o agad iparating sa sa kanilang tanggapan sakaling makaranas sila ng transakyon online sa mga serbisyo at produkto na wala pa ring discount.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.