DA inaprubahan ang importasyon ng 35,000 tonelada ng isda

Sa pagpasok ng “Ber months” ay babaha ng imported na isda sa mga palengke sa bansa kasunod nang pag-apruba ng Department of Agriculture (DA) sa importasyon ng 35,000 metriko tonelada ng isda sa huling tatlong buwan ng taon.

Kabilang sa maaring iangkat, base sa memorandum circular ng kagawaran na may petsang Agosto 15, ay  “frozen round scad, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish” mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 31.

Nabatid na 80 porsiyento nang maaring iangkat na isda ay naibigay sa mga kuwalipikadong importer sa sektor ng commercial fishing.

Samantala, ang natitira ay paghati-hatian ng mga koperatiba o asosasyon ng mga lokal na mangingisda.

Ayon pa sa kagawaran, tanging ang mga nakapag-rehistro hanggang sa Agosto 22 ang maaring makibahagi sa importasyon.

Ang pagpapalabas ng import clearances ay mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 30 at ang ikalawang bugso ay mula Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 30.

 

 

Read more...