Walang nakikitang problema ang mga school principal ng 14 na Enlisted Men’s Barrio(EMBO) schools na nalipat sa hurisdiksyon ng Department of Education – Taguig – Pateros sa pagsisimula ng School Year 2023-2024 sa Agosto 29.
Base ito sa maayos na paglulunsad ng Brigada Eskwela kung saan nakiisa ang mga estudyante, mga guro, mga magulang, alumni at iba pang stakeholders. Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona naging matagumpay ang paglulunsad ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano. Nagpaabot ng pasasalamat ang dalawang school principal kay Cayetano at sa Taguig volunteers sa naging suporta sa Brigada Eskwela na sinimulan noong Agosto 14 at magtatapos sa Agosto 19. “The event brought together students, parents, and volunteers for a week-long cleaning campaign that strived to unite the entire Makati Science community in maintaining the school premises. Amid unexpected transitions within the school, adaptability emerged as a key factor for success. Despite the myriad of challenges volunteers and organizers alike encountered, the school community’s unwavering commitment to higher education continues to remain steadfast. There are concerns, but we are still an educational institution, and that comes first,” ang mababasa sa post sa official Facebook page ng Makati Science High School. Naging mainit din ang pagtanggap ng Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School at South Cembo Elementary School kay Cayetano. Sinabi ni Taguig-Pateros School’s Superintendent Dr. Cynthia Ayles ang lahat ng 14 school officials ay may maayos na koordinasyon sa Taguig LGU noon pang buwan ng Hulyo kaya walang dapat na ipangamba sa pagbubukas ng klase dahil makaaasa na magiging maayos ito. Nilinaw ng mga school principal na hangad din ng mga magulang ang maayos na transition, sa katunayan sa isinagawang General Parents Teachers Association dialogue ay nakita ng mga magulang ang intensyon ng Taguig LGU na maibigay ang maayos na serbisyo at benepisyo kaya nakiisa din ang mga ito sa inilunsad na Brigada Eskwela. Napawi na umano ang alalahanin ng mga magulang nang igarantiya ni Cayetano ang dekalidad na serbisyo at tulong sa pag aaral ng may 30,000 estudyante ng 14 EMBO schools kung saan inihahanda na ang paunang school kits. “Ang mga programa na nakita naming mahusay na naipatupad sa Taguig ay buong buo na makukuha ng EMBO residents na ngayon ay Taguig residents. Just trust the transition, trust the school leadership and my leadership in Taguig, bigyan lang po natin ng tiyansa”nauna nang pahayag ni Mayor Lani. Aminado ang Taguig LGU na hindi pa naibibigay ang school uniform at school supplies bunsod na rin ng antala sa panig ng Makati City na maibigay ang listahan ng mga student-beneficiaries.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.