Taguig, Makati mayors okay sa pagkupkop muna ng DepEd sa 14 “EMBO” schools
By Jan Escosio / Chona Yu August 17, 2023 - 01:17 PM
Kapwa pinaboran nina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Makati City Mayor Abby Binay ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na pansamantalang pangasiwaan muna ang 14 public schools sa “EMBO” barangays.
Pinasalamatan din ng dalawa si Vice President at Education Sec. Sara Duterte, na siyang pansamantalang “kukupkop” sa mga apektadong paaralan.
Sinabi pa ni Cayetano na batid niya na nakakaapekto sa pamamahala at administrasyon ng mga paaralan ang naging desisyon ng Korte Suprema.
“Her (Duterte) leadership and wisdom at this time is very much welcomed and appreciated,” wika pa ni Cayetano.
Samantala, sinabi naman ni Binay na makikipagtulungan sila sa transition team na binuo ni Duterte.
“This decision will greatly ease the worries and concerns of our students, parents and teachers. Kaisa kami ni Vice President Sara sa kanyang layunin. Unahin natin ang kapakanan ng ating mga guro, mga kabataan at kanilang mga magulang,” dagdag pa ni Binay.
Iginiit na lang din nito na kailangan pa rin ng writ of execution ng pamahalaang-lungsod ng Taguig para sa pag-take over ng 14 paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.