Nagsimula na ngayong umaga ang biyahe ng anim na bagong ferry boat ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ayon kay Juanito Luna ng MMDA, 36 katao ang kasya sa isang ferry boat na maglalayag sa Pasig river.
Ang anim na bagong ferry boat ay karagdagan sa apat na kasalukuyang bumibyahe sa nasabing ilog.
Magagamit ito para sa mas mabilis na biyahe gamit ang Ilog Pasig.
Ang MMDA ferry boat ay may biyahe mula Pinagbuhatan, Pasig hanggang Plaza Mexico, Intramurous, Manila. Ang pamasahe ay nasa P20 hanggang P95 depende sa layo ng biyahe./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.