Walang low pressure area (LPA) o tropical cyclone na papasok sa Philippine area of responsibility ngayon long weekend, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Walang pasok sa Lunes, Agosto 21, dahil Ninoy Aquino Day.
Ngunit dahil sa habagat, maaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Southern Leyte, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, atBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa susunod na 24 oras.
Kasabay nito ang babala ng posibleng pagbaha at landslides kung lalakas ang ulan.
Magiging maalinsangan naman sa iba pang bahagi ng Luzon dahil sa maulap na kalangitan.
Posible rin ang pag-ulan sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES