Pia sa NEDA: Resolbahin ang kakulangan ng healthcare professionals sa bansa
Naniniwala si Senator Pia Cayetano na dapat pangunahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang paghahanap ng solusyon sa kakapusan ng healthcare professional sa bansa.
Sa Senate briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa pambansang pondo sa susunod na taon, binanggit ni Cayetano na may mga seryosong implikasyon sa sistemang pangkalusugan ng bansa ang isyu.
“We only talk about the nursing shortage, but we have a shortage of pharmacists, physical therapists, occupational therapists, everything that makes a health system sustainable, we have a shortage,” pagpupunto nito.
Sabi pa niya: “Who is taking the lead? CHED? DOH? I would like to recommend that it be NEDA-led. Like if we don’t keep pushing CHED, they already have their hands full. If we don’t keep pushing DOH, they also have their hands full with nursing. So we really, really need a leader in this area, dear colleagues, because we will also fall short. We will not be able to sustain a healthy country.”
Dapat din aniya pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mga isyu sa malinis na pagkain, maganda at maayos na kalusugan at seguridad sa pagkain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.