Pabuya ng mga drug lord sa makapapatay kay Duterte, tatapatan

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Tatapatan umano ni President-elect Rodrigo Duterte ang pabuya na ilalaan ng mga drug lord para sa kanya.

Sinabi ito ni Duterte kasunod ng balitang nag-aambangan na ang mga drug lord sa loob at labas ng Bilibid para makalikom ng malaking halaga na ipambabayad naman sa sinomang makapapatay sa incoming president at sa incoming PNP Chief.

Ayon kay Duterte, handa siyang makipagpataasan ng presyo sa mga drug lord.

Dagdag pa ni Duterte kung nasa P100 million ang ibibigay nila ay kanya itong tatapatan ng P150 million.

Ay sinomang pulis na makapapatay ng drug lord ay agad niyang bibigyan ng “promotion on the spot” mula Police Officer 1 papuntang General.

Napabalita na umabot sa P1 bilyon ang nililikom ng mga high profile drug lords na patong sa ulo ni Duterte, ni incoming Police Chief Ronald dela Rosa at iba pa.

 

Read more...