P112.8-B inilaan sa pagkasa ng 4P’s sa 2024

INQUIRER PHOTO

Nasa P112. 8 bilyong pondo ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mas mataas ito ng P10. 23 bilyon ang pondo para sa taong 2024 kumpara sa kasalukuyang budget na P102.61 bilyon. Nasa 4.4 nyong pamilyang Filipino aniya ang makikinabang sa pondo. Sa naturang pondo,  P103.161 bilyon ang para sa ibat-ibang cash grants, gaya ng P750 per month sa health subsidies ng 4.4 million households, educational subsidies na nasa P300 hanggang P700  kada buwan  sa mahigit 7 milyong estudyante at  P600 na  rice subsidies. “The recommended budget for Fiscal Year 2024 shows an increase of P3.725 billion when compared with the actual utilization of P109.111 billion in Fiscal Year 2022. The rise is due to the increased number of students, moving from 1.493 million senior high school (SHS) students in FY 2023 to an anticipated 1.628 million SHS students in FY 2024, who will be provided with an educational allowance,” pahayag ni Pangandaman. Sabi ni Pangulong Marcos, Jr.,  mahalaga na maayudahan ang mga mahihirap na Filipino. “To address this, I have approved the NEDA’s recommendation for the Social Protection Floor (SPF) framework which aims to institutionalize the existing social protection programs, such as the universal healthcare and feeding programs and the Conditional Cash Transfer (CCT) Program, which holds a crucial role in the government’s comprehensive strategy to alleviate poverty and promote social development,” aniya.

Read more...