Edukasyon, daan sa pantay na oportunidad sa lahat sabi ni Sen. Alan Cayetano

SENATE PRIB PHOTO

Sa malakas na sistema ng edukasyon nagsisimula ang pantay-pantay na oportunidad sa lahat.

Ito ang binanggit ni Sen. Alan Peter Cayetano sa ikalawang araw ng Senate briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) sa panukalang P5.768 trilyong pambansang budget para sa susunod na taon.

Tiniyak ng senador ang kanyang suporta sa pagpapahusay ng sektor ng edukasyon sa bansa paniniwalang magiging daan ito para mas maraming Filipino ang magkakaroon ng magandang trabaho at magandang kinabukasan.

“All of us live in a country where your last name and where you were born matters. This is why the government is here as second parents to try to equalize opportunities,” aniya.

Dagdag pa ng independent senator: “We all agree that when the education system becomes number one [in the budget priority], talagang gaganda ang buhay ng mga Pilipino. Much more opportunities will come.”

Paalala pa nito na nakasaad sa Saligang Batas na ang prayoridad sa pambansang pondo ay ang edukasyon at pinatiyak niya ito sa DBCC.

Read more...