British PM David Cameron, magbibitiw sa pwesto

cameronMagbibitiw sa pwesto si British Prime Minister David Cameron matapos ang referendum kaugnay ng pagkalas ng United Kingdom (UK) sa European Union (EU).

Ginawa ni Cameron ang anunsyo matapos ang naganap na botohan sa pag-alis ng britanya sa EU.

Sa naganap na botohan ay nanalo ang grupo na gustong kumalas ang UK sa EU.

Susubukan naman ni Cameron na maging steady ang UK sa susunod na mga buwan. Wala itong eksaktong timetable para sa pagbaba sa pwesto pero sinabi nito na dapat ay may maitalagang bagong Prime Minister sa unang bahagi ng Oktubre.

“I would also reassure brits living in European countries and European citizens living here that there will be no immediate changes in your circumstances,” ani Cameron.

Ayon kay Cameron, ang papalit sa kanya ang gagawa ng pormal na proseso para umalis ang Britanya sa EU.

“The British people have made a very clear decision to take a different path and as such, i think the country requires fresh leadership to take it in this direction, ”pahayag pa ni Cameron.

Read more...