Navotas police chief sibak sa “mistaken identity incident”

By Jan Escosio August 16, 2023 - 04:13 PM

INQUIRER PHOTO

Makalipas ang dalawang linggo simula nang mapatay ng mga pulis ang isang 17-anyos na binatilyo, inalis sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Navotas City.

Paliwanag ni Northern Police District (NPD) director,  Brig. Gen. Rizalito Gapas kailangan na maalis sa posisyon si Col. Allan Umipig dahil sa kabiguan nito na maayos na masubaybayan ang operasyon na humantong sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar.

Dagdag pa ni Gapas, ang hakbang ay alinsunod na rin sa “command responsibility” policy at upang maharap niya ang mga maaring kaso na isasampa laban sa kanya.

May 22 pulis-Navotas ang inalis sa puwesto, kasama na ang anim na itinuturong nakapatay kay Baltazar noong Agosto 2, gayundin ang imbestigador ng kaso. Nahaharap na sila sa mga kasong kriminal at administratibo.

Napatay ang binatilyo matapos mapagkamalang sangkot sa isang kaso ng pagpatay sa lungsod.

 

 

 

 

TAGS: Chief of Police, command responsibility, killing, navotas, relieved, Chief of Police, command responsibility, killing, navotas, relieved

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.