Hindi pabor si Finance Secretary Benjamin Diokno sa panawagan na ipagbawal ang Chinese contractors sa mga proyekto ng gobyerno.
Sa Senate briefing ng Proposed 2024 National Expenditure Program ng Development Budget Coordination Committee, sinabi ni Diokno na may magiging masamang epekto ito sa pagkasa ng mga proyekto.
Dagdag pa niya ito ay magkakaroon ng negatibong epekto sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa.
Paliwanag pa niya na ang China bilang miyembro ng Asian Development Bank (ADB), ng World Bank, at ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ay may karapatan na makilahok sa “bidding process” ng social development projects.
Bukod pa dito, may implikasyon din ito sa public-private partnerships (PPPs) gayundin sa mga iba pang proyekto.
Si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nagpalutang ng ideya ukol sa pagbabawal sa mga Chinese contractors na makakuha ng proyekto ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.