WHO pinuna ang 80% pagtaas ng COVID 19 cases

By Jan Escosio August 16, 2023 - 03:41 PM

 

Mula noong Hulyo 10 hanggang nitong Agosto 6, nakapagtala ng kabuuang 1.5 milyong bagong kaso ng COVID 19 sa buong mundo.

Ayon sa World Health Organization (WHO) at nilinaw na ito ay pagtatantiya lamang dahil hindi na lahat ay masigasig na nagsasgaawa ng COVID 19 testing hindi katulad noong kasagsagan ng pandemya.

Ang bilang ay 80 porsiyentong mas mataas kumpara sa nakalipas na 28 araw.

May naitala din na 2,500 namatay dahil sa sakit na 57 porsiyento naman mas mababa.

Marami sa mga bagong kaso ay sa Western Pacific region, kabila ang Pilipinas, kung saan ang infection rate ay umangat ng 137 porsiyento.

Sinasabi na ang pagtaas ay maaring dahil sa pagbiyahe na ng mga tao, sa bumababang immunity at hindi na istriktong pagsunod sa “routine hygiene.

Kamakailan, itinuring ng WHO ang Omicron subvariant EG.5, na binansagan“Eris,” na “variant of interest.”

Base sa mga paunang obserbasyon, mas mabili maihawa ang naturang bagong subvariants at hindi tinatablan ng bisa ng bakuna.

 

 

TAGS: COVID-19, Omicron, subvariant, WHO, COVID-19, Omicron, subvariant, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.