Umento sa sahod ng gov’t workers pinatitiyak ni Go sa 2024 nat’l budget
Nagbilin si Senator Christopher Go sa Department of Budget and Management (DBM) na hanapan ng pondo ang pagbibigay ng dagdag-sahod sa lahat ng kawani ng gobyerno.
Ginawa ito ni Go sa briefing ng DBCC briefing on the proposed 2024 National Expenditure Program (NEP) sa Senado kahapon.
Banggit ng senador ngayon taon ang huling pagpapatupad ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law (SSL) of 2019 na naipasa ng nakalipas na administrasyong-Duterte.
Sinabi pa nito na umaasa siya na mapopondohan ang P16.95 bilyon na kinakailangan para muling mabigyan ng umento ang mga kawani ng gobyerno.
Tiniyak naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na kung hindi pa sasapat ang naturang halaga maghahanap pa sila ng mapapaghuguta ng karagdagang pondo para maibigay ang umento.
Ngunit aniya hinihintay pa nila ang resulta ng pag-aaral ng Governance Commission for GOCCs (GCG) kung uubra sa susunod na taon ang pagbibigay ng dagdag-sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.