Pangulong Marcos Jr., nakatutok sa Maui wildfires dahil sa mga Filipino

By Chona Yu August 16, 2023 - 12:04 PM

MAUI COUNTY FIRE DEPARTMENT PHOTO

Nakaantabay si Pangulong Marcos Jr. sa lagay ng mga Filipino na apektado ng wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Katuwang ng Pangulo sa pagbabantay ang Department of Foreign Affairs at (DFA) Department of Migrant Workers (DMW). Ayon sa Pangulo, inaalam na ngayon ng DFA at DMW kung ilang Filipino ang apektado sa sunog. Nakahanda aniya ang konsulado ng Pilipinas sa Honolulu na tulungan ang mga apektadong Filipino. Maari aniyang tumawag ang mga apektadong Filipino sa  24/7 emergency hotline na +1808 253-9446 o sa opisyal na email account ng pamahalaan na [email protected]. “Kasalukuyang nakikipag-ugnayan din ang Philippine Consul General sa Hawaii sa mga lokal na awtoridad at Filipino community sa anumang bagong impormasyon patungkol sa insidente,” sabi ni Pangulong Marcos. Una nang sinabi ng DFA na 50 na Filipinong guro sa Hawaii ang nakaligtas sa sunog.

TAGS: DFA, DMW, hawaii, wildfire, DFA, DMW, hawaii, wildfire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.