Pangulong Marcos Jr., sinabing palalakasin ang ugnayang Pilipinas, Peru

By Chona Yu August 16, 2023 - 11:09 AM
Palalakasin pa ni Pangulong Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Peru at tiniyak niya ito sa pagtanggap ng credentials  ni Peruvian Ambassador Cecilia Zunilda Galarreta Bazán sa Malakanyang. “It is imperative that we all work together. No matter how big or rich or strong a country is, I don’t think there is a single country that can manage this by themselves,” pahayag ni Pangulong Marcos. Iginiit niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa harap na rin ng mga hamong kinakaharap ng buong mundo sa pagbangon mula sa pandemya. Sinabi pa ng Pangulo na labis na nakaapekto sa food supply chain ang krisis at maging sa essential commodities kaya’t mahalagang humanap ng paraan ang mga bansa sa usapin ng pagnenegosyo. Sinegundahan naman ito ni Bazán sa pagsasabing sa isang interconnected o magkakaugnay na mundo ay kailangang magkapit-bisig ang mga bansa upang maging mas epektibo ang pagharap sa mga pandaigdigang hamon. Ibinida naman ni Bazán ang agribusiness sector ng Peru kung saan maaari aniya nilang dalhin sa Pilipinas ang kanilang mga produkto tulad ng ubas at avocado. “Also, the Philippines is a very important trade partner for us in the region. We are really looking forward to deepening that relationship,” pahayag ng bagong talagang Ambassador. Nagsimula ang diplomatikong relasyon ng dalawang bansa noong November 30, 1974 kung saan nagtayo ang Pilipinas ng embahada sa Lima noong 1982 habang naglatag naman ang Peru ng diplomatic mission sa Maynila noong 1980.

TAGS: Agriculture, diplomatic relation, Peru, Pilipinas, Agriculture, diplomatic relation, Peru, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.