Nakuwestiyon sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa proposed 2024 National Expenditure Program (NEP) ang lumulubong utang ng bansa.
Sa isang bahagi ng briefing, nagbigay ng suhestiyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para mapagaan ang utang ng gobyerno na binabalikat din ng mamamayan.
“Mas maganda siguro manganak tayo ng maraming anak para lumaki ang population natin, at pag lumaki ang population, mas marami mag hatihati są utang, mas bababa ang per capita utang natin,” aniya.
Dagdag paliwanag pa niya: ““Yung simple ba, yung inobre ba, inobreng pag iisip. Manganak ng mas marami para yung per capita debt natin mas mababa. The bigger the population, mas marami mag hatihati są utang.”
Nabatid na hanggang noong nakaraang Hunyo, P14.15 trilyon na ang utang na panloob at panlabas ng Pilipinas.