Mas madaming Pinoy, mas marami ang biyak-biyak sa utang – Bato

By Jan Escosio August 16, 2023 - 09:58 AM

Nakuwestiyon sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa  proposed 2024 National Expenditure Program (NEP) ang lumulubong utang ng bansa.

Sa isang bahagi ng briefing, nagbigay ng suhestiyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para mapagaan ang utang ng gobyerno na binabalikat din ng mamamayan.

“Mas maganda siguro manganak tayo ng maraming anak para lumaki ang population natin, at pag lumaki ang population, mas marami mag hatihati są utang, mas bababa ang per capita utang natin,” aniya.

Dagdag paliwanag pa niya: ““Yung simple ba, yung inobre ba, inobreng pag iisip. Manganak ng mas marami para yung per capita debt natin mas mababa. The bigger the population, mas marami mag hatihati są utang.”

Nabatid na hanggang noong  nakaraang Hunyo, P14.15 trilyon na ang utang na panloob at panlabas ng Pilipinas.

TAGS: bato dela rosa, DOF, populasyon, utang, bato dela rosa, DOF, populasyon, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.