DSWD at DOLE pinagpaliwanag sa underspending

 

Ipinatawag sa Palasyo ng Malakanyang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Labor Secretary Benny Laguesma at at Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.

Ito ay para pagpaliwanagin ang dalawang kalihim sa underspending na ginawa ng dalawang kagarawan.

Ayon kay Laguesma, pinabibilisan ng Pangulo ang paggastos sa pondo para sa mga programang may kinalaman sa social protection.

Una nang sinabi ng Deparment of Budget and Management na angD SWD at DOLE ang may mababang disbursement sa pondo.

“Mayroon na pong tagubilin sa amin na mahigpit ang Pangulo na naririyan ang pondo, lalo na ang may kinalaman sa social protection programs ng pamahalaan, dapat maipagkaloob natin iyan sa mga intended beneficiaries,” pahayag ni Laguesma.

“Kaya ang catch-up plan po namin ay kasama iyong collaboration at saka partnership, not just with the local government units, but also with our legislators and most importantly po, sa private sector,” sabi ni Laguesma.

Pinatutukan ni Pangulong Marcos kay Laguesma, ang employability ng mga Filipino youth para maging handa ito sa pagharap sa mundo.

Sinabi naman ni Gatchalian na bibilisan na ngayon ng DSWD ang disbursement sa Pantawaid Pamilyang Pilipino Program.

Nasa P9 bilyon na pondo ang lahat para sa 4Ps.

 

 

Read more...