Safe Nurse Staffing isinusulong ni Congresswoman Robes

By Chona Yu August 15, 2023 - 01:26 PM

 

Isinusulong ni San Jose del Monte, Bulacan Congresswoman Rida Robes ang Safe Nurse Staffing sa bansa.

Ito ay para matiyak na ligtas ang kalagayan ng mga nurses sa Pilipinas.

Sa privilege speech ni Robes, sinabi nito na nakadidismaya na sa ngayon ay nasa “One is to ward” ang ratio ng mga nurses sa bansa.

Base kasi sa panukala ng Department of Health, 12 pasyente lamang ang dapat na binabantayan ng bawat nurse sa kada duty.

Pero sa pag-aaral na ginawa sa Philippine General Hospital noong 2022, isang 20 pasyente ang binabantayan ng bwat nurse sa kada duty.

May mga pagkakataon aniya sa ibang ospital na umaabot sa 20 hanggang 50 pasyente ang binabantayan ng bawat nurse.

Dismayado rin si Robes dahil sa papel, nasa P33,575 ang entry level o sweldo ng mga bagong pasok sa nurse gayung sa katotohanan ay nasa P22,000 lamang.

Hindi masisi ni Robes na ang mga nurses na nangingibang bansa dahil sa alok na mas malaking sweldo.

Nabatid na ang Luxemberg ang nag-aalok ng pinakamataas na sweldo sa mga nurses.

Sabi ni Robes, kapag naisulong ang safe nurse staffing sa bansa tiyak na maiibsan ang medication errors, maalagaan ng husto ang mga pasyente at hindi mapapagod ang mga nurses.

Kaya panahon na ayon kay Robes na pangalagaan ang mga nurses at bigyan ng kaukulang benepisyo.

 

TAGS: news, nurses, Radyo Inquirer, rida robes, news, nurses, Radyo Inquirer, rida robes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.