DILG may bilin sa Taguig City at Makati City sa awayan ng teritoryo

 

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na plantsahin na ang gusot sa pinakamadaling panahon.

Bilin din ni DILG Secretary Benhur Abalos sa dalawang magkabanggang lokal na pamahalaan na huwag hayaan na maapektuhan ng isyu ang pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mamamayan.

“What’s important is yung services sa mga tao, huwag magambala. Kung meron mang issue sa pagmamay-ari, reimbursement, etc., mag-usap na lang dapat sila. Ganoong level sana ang gusto naming mangyari,” ani Abalos.

Sa ngayon, ang huling isyu sa dalawang lungsod ay ang mga pampublikong paaralan ng Makati City na nasa mga barangay na nalipat sa Taguig City.

Binanggit nito na ang pulis, bumbero at jail officers ay apektado sa isyu at ang mga ito ay nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa.

Read more...