Toll hike sa CAVITEX simula sa Agosto 21
By Jan Escosio August 15, 2023 - 07:35 AM
Inanunsiyo ng MPT South na epektibo sa darating na Lunes, Agosto 21, ang pagtaas ng toll sa Manila – Cavite Expressway (CAVITEX).
Kasunod na ito nang pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB) sa 2017 periodic toll petition ng joint venture partners Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at Philippine Reclamation Authority (PRA).
Sa ilalim ng Toll Operation Agreement sa pagitan ng TRB, CIC, at PRA, pinapayagan ang pagtaas ng toll sa 14-kilometrong expressway kada tatlong taon.
Mula sa MIAA Exit sa Paranaque City (vice versa) hanggang sa Longos, Bacoor City sa Cavite ang bagong toll ay P35.00 (Class 1), P70.00 (Class 2). at P104.00 (Class 3).
Samantala, ang mga motorista na bibiyahe ng Bacoor hanggang Kawit (vice versa) ay sisingilin P73.00 (Class 1), P146.00, (Class 2), at P219.00 (Class 3).
Nabatid na 160,000 kada araw ang gumagamit ng CAVITEX araw-araw.
Samantala, para sa diskuwento sa toll, ibabalik ng CIC ang Abante Card program para sa mga pampublikong sasakyan.
“We recognize the impact of the toll increase on Class 1 and Class 2 PUV drivers. That’s why were reactivating our Abante Card program to provide some relief during this transition. With the Abante Card, PUV drivers will have the opportunity to adjust and enjoy the old toll rates for a period of about three months. We believe this program will help alleviate the financial burden on our valued PUV drivers and provide them with a smoother transition during this time. We remain committed to supporting the PUV community and ensuring their continued success on the road,” sabi ni MPTC President and CEO Rogelio Singson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.