Gunman sa Percy Lapid slay-case aamin para sa magaan na parusa

By Jan Escosio August 14, 2023 - 06:22 PM

INQUIRER PHOTO

Hiniling ng umamin na pumatay kay broadcaster Percival “Percy Lapid” Mabasa sa korte sa Las Pinas City na pagbigyan siya sa “plea bargain” upang gumaan ang kasong kinahaharap.

Sa mosyon ni Joel Escorial nais nito na bumaba na lamang sa homicide ang kanyang kaso sa halip na murder.

Pinapayagan naman ang “plea bargain” sa pagitan ng akusado at panig ng prosekusyon basta aamin na ang una sa kaso.

Sa kasong murder maaring makulong si Escorial mula 20 taon hanggang 40 taon, samantalang sa homicide ay maari siyang masentensiyahan ng 12 taon hanggang 20 taon na pagkakakulong.

Nabatid na ang mosyon ni Escorial ay inihain kanina sa tulong ng kanyang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

 

 

TAGS: homicide, Murder, PAO, plea bargaining agreement, homicide, Murder, PAO, plea bargaining agreement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.