Ilang napinsalang paaralan hindi magagamit sa school opening

By Jan Escosio August 14, 2023 - 05:58 PM

PCO PHOTO

Mismong si Pangulong Marcos Jr., na ang nagbahagi na ilang paaralan na kabilang sa mga napainsala ng bagyong Egay ang hindi magagamit sa pagbubukas muli ng mga klase ngayon buwan.

“Hindi pa lahat… So far, basta kung ano ang kaya nating gawin together kasama pa ‘yung ating mga LGU (local government unit) ay ginagawa ang lahat para maayos natin ‘yung mga nasira,” sabi ng Punong Ehekutibo.

Aniya patuloy naman ang pagpapatayo ng mga bagong paaralan ngunit pinababagal ang konstruksyon ng panahon.

Sinabi naman ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na ang mga napinsalang paaralan ang prayoridad na maayos gamit ang pondo ng kagawaran ngayon taon.

Ayon pa kay Duterte kung hindi naman matatapos ang pagsasa-ayos ng mga eskuwelahan hanggang Agosto 29, ang unang araw ng klase sa School year 2023 -2024, binigyan na niya ng kautusan ang pamunuan na ikasa na muna pansamantala ang blended learning program.

“Ang direction ang Department of Education lagi pong blended learning or in-person classes so tuloy-tuloy ang pag-aaral kahit meron problema sa classroom,” aniya.

Pinangunahan ng dalawa ang Brigada Eskwela sa V. Mapa High School sa Sta. Mesa.

 

TAGS: Bagyo, blended learning system, Brigada Eskwela, deped, schools, Bagyo, blended learning system, Brigada Eskwela, deped, schools

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.