Sen. Bong Go nagbilin sa DPWH na sulitin ang flood control project funds

By Jan Escosio August 14, 2023 - 01:55 PM

Hanggang sa huling sentimo dapat ay masulit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nailalaan na pondo para sa mga anti-flood programs.

Ito ang bilin ni Sen. Christopher Go sabay pahayag na suportado niya ang mga mungkahi para sa isang komprehensibong master flood control plan.

Kasunod ito ng paglubog sa tubig baha ng malaking bahagi ng Central Luzon at iba pang bahagi ng bansa dahil sa pag-ulan dulot ng dalawang bagyo at habagat.

Sa naging pagdinig ng Committee on Public Works, hiningi ni Go sa DPWH ng kanilang accomplishment report sa mga ikinasang anti-flood projects na pinondohan ng daan-daang bilyong piso simula noong 2019.

“Dahil unti-unti tumataas bawat taon dapat po ay walang masayang dito. Dapat po ay walang masayang na isang piso na pondo ng gobyerno,” sabi ng senador.

Hiningi din niya ang mga plano at istratehiya ng kagawaran para maiwasan ang mga pagbaha. Giit ni Go dapat bigyan ng prayoridad sa plano at proyekto ang mga natukoy ng flood-prone areas.

 

TAGS: DPWH, flood control project, go, DPWH, flood control project, go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.