Bilang ng mga estudyante na kumukuha ng nursing, bumaba
Patuloy na bumaba ang bilang ng mga estudyante na kumukuha ng kursong nursing sa bansa.
Ito ay dahil sa mababang pasahod sa mga nurse sa Pilipinas.
Ayon kay Polet Cruz, National President ng Philippine Nurses Association, mula sa 60,000 hanggang 80,000 na kumuha ng board exams ng nursing sa nakalipas na limang taon, nasa 14,000 na lamang ang kumuha ng pagsusulit noong 2015.
Nakasasakit aniya ng damdamin na pangunahing tungkulin ng nurse na alagaan ang maysakit subalit hindi naman sila kinakalinga ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Cruz na demoralisado ang kanilang hanay ngayon dahil sa pag-veto ng Pangulong Benigno Aquino III sa comprehensive nursing law na magtataas sana sa P25,000 sa sweldo ng mga nurse mula sa kasalukuyang P10,000.
Bagamat demoaralisado, wala naman aniyang balak ang mga nurse na mag walk-out at iwan ang kanilang mga pasyente.
Kanina ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga nurse sa harap ng kanilang tanggapan sa Philippine Nurses Association sa Malate, Manila para ipahayag ang pagkadismaya kay Pangulong Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.