Tulong medikal at pinansiyal ang agad na maibibigay sa mga Filipino sa Maui, na ngayon ay binabalot ng kumakalat na “wildfires,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)
“There are less than two thousand Filipino citizens in Maui. In case any of these Filipino citizens require medical or financial assistance funding, we at DFA are ready to authorize the Consulate to distribute the funds,” ani Foreign Affairs Usec. Eduardo De Vega.
Aniya hindi pa ikinukunsidera ang repatriation dahil mga permanenteng residente na ng Hawaii ang mga nabanggit na Filipino.
Dagdag pa ng opisyal bineberipika nila na walang Filipino na kabilang sa mga nasawi o nawawala.
May 93 na ang nasawi sa wildfiresm base sa mga ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.