PCG handang magpadala ng mas malaking barko sa Ayungin Shoal
Handa ang Philippine Coast Guard (PCG) na gumamit ng mas malaking barko sakaling magsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ito ay kung hihingi ng tulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-escort sa kanilang mga barko sa resupply mission.
Sabi ni Tarriela, handa ang kanilang hanay na i-deploy ang 97-meter vessel.
Matatandaang na noong nakarang linggo lamang, na-water cannon ang barko ng Pilipinas ng China habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.