61 na pamilya sa Estero de Magdalena sa Manila, nabigyan na ng bagong bahay
Nabigyan na ng bagong bahay ng National Housing Authority (NHA) ang lahat ng 61 na pamilyang nakatira sa Estero de Magdalena sa Binondo, Manila.
Ayon kay NHA General manager Joeben Tai, nailikas na ang mga residente sa Sunshine Ville 2 sa Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite.
Personal na ininspeksyon ni Tai ang bagong tahanan.
Matatandaang isang malaking puno ng balete sa Estero de Magdalena ang bumagsak sa mga kabahayan doon na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang residente at pagkasira ng mga tahanan.
“Ako po ay narito ngayon upang personal na magpaabot ng tulong at tiyakin sa iba pang apektadong pamilya na ang NHA ay handa silang ilikas sa mas ligtas na lugar, sa kanilang bagong tahanan,” pahayag ni Tai.
Kabilang sa mandato ng NHA ang pagkakaloob ng mga bagong tahanan sa mga informal settler families na naninirahan sa mga mapanganib lugar; mga naapektuhan ng kalamidad, at mga natamaan ng proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.