Paglaban sa misinformation, disinformation palalakasin ng PCO

Palalakasin ng Presidential Communications Office ang paglaban sa disinformation at misinformation.

Sabi ng PCO, ikakasa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project.

Isang memorandum ang understanding ang lalagadaan ng PCO kasama ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gagawin ang MOU signing sa Lunes, Agosto 14 sa Hilton HotelPasay City.

Layunin ng MOU na tutukan ang publiko lalo na ang mga kabataan na maging mapanuri sa mga balita.

“These agencies will collaborate with the PCO on a comprehensive execution plan crafted to target the identified root causes of the issue. The MIL will be integrated into the higher education curriculum, community-based trainings, and family-oriented programs,” pahayag ng PCO.

Katuwang ng PCO ang ibat ibang social media companies gaya ng Google (YouTube), Meta (Facebook, Instagram, and Threads), TikTok at X (formerly Twitter).

 

 

Read more...