67 patay sa wildfire sa Hawaii

By Chona Yu August 12, 2023 - 08:13 AM

 

(Reuters/Inquirer)

Umakyat na sa 67 katao ang nasawi dahil sa wildfire sa Maui island sa Hawaii.

Ayon sa pahayag ng Maui County, nasa 1,000 gusali na ang nasunog.

Libu-libong katao na ang nawalan ng tahanan.

Ito na ang worst natural disaster na tumama sa kasaysayan ng Hawaii.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa lawak ng sunog.

Tatlong araw nang nagaganap ang sunog sa Maui island.

Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

 

TAGS: hawaii, news, Radyo Inquirer, sunog, wildfire, hawaii, news, Radyo Inquirer, sunog, wildfire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.