Taguig LGU magkakasa ng Brigada Eskwela sa dating Makati public schools
By Jan Escosio August 11, 2023 - 01:59 PM
Handa na ang pamahalaang-lungsod ng Taguig sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa 14 pampublikong-paaralan na dating nasa pangangasiwa ng Department of Education – Division of Makati City.
Ang mga naturang paaralan ay sakop ng mga barangay na nalipat sa Taguig City base sa ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema ukol sa isyu ng teritoryo ng dalawang lungsod.
Ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela ay kaugnay sa paghahanda para sa pagsisimula muli ng mga klase.
Nabatid na nakipagpulong na ang mga opisyal ng DepEd – Division of Taguig – Pateros sa mga principal ng 14 paaralan para mapagplanuhan na ang maayos na pagsisimula ng mga klase at mga inisyatibang pang-edukasyon.
Ang 14 na paaralan ay ang mga sumusunod;
– Makati Science High School
– Comembo Elementary School
– Rizal Elementary School
– Pembo Elementary School
– Benigno “Ninoy” S. Aquino High School
– Tibagan High School
– Fort Bonifacio Elementary School
– Fort Bonifacio High School
– Pitogo Elementary School
– Pitogo High School
– Cembo Elementary School
– East Rembo Elementary School
– West Rembo Elementary School; at
– South Cembo Elementary School
Unang inilbas ng DepEd-National Capital Region Memorandum Order No. 2023-735 na pirmado DepEd Regional Dir. Wilfredo Cabral na may petsang Agosto 4 para sa paglilipat ng pangangasiwa ng mga naturang paaralan sa DepEd – Division of Taguig – Pateros.
Sa pulong tiniyak nina Mayor Lani Cayetano at DepEd Taguig-Pateros Superintendent Dr. Cynthia Ayles, at iba pang opisyal na ibibigay ang lahat ng tulong at suporta sa mga guro, estudyante, magulang at mga tauhan ng mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.