Itinuturo sa mga police recruits dapat rebisahin – Bato
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Pinasusuri at pinarerebisa ni Senator Ronald Bato dela Rosa sa Philippine National Police at sa Police National Training Institute ang kanilang Program of Instructions in the Public Safety Basic Recruit Course.
Kasunod ito nang pagkakapatay ng mga pulis-Navotas City sa isang 17-anyos na binatilyo na napagkamalan nilang suspek sa krimen.
Hangad ni dela Rosa sa kanyang kahilingan na maituro sa police recruits ang Police Operational Procedure.
Iginiit pa ng senador na dapat masampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga sangkot na pulis.
Nangangamba ito na kapag hindi maayos na naituro sa mga police recruits ang basic procedures sa pagpapatupad ng batas ay mauulit nang mauulit ang insidente.
Sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Public Order na magpapatawag siya ng pagdinig kapag hindi niya nagustuhan ang pag-iimbestiga sa insidente.