(UPDATE) Natapos na ang isinagawang botohan hinggil sa kung kakalas ba o hindi ang United Kingdom sa European Union (EU).
Sa partial resulta ng boto as of 2:10PM oras sa Pilipinas, 17,410,742 o 51.9 percent ang bumoto pabor sa “Brexit” na pinaiksing termino para sa Britain Exit.
Habang nasa 16,141,241 naman o 48.1 percent ang nagnais na manatili ang bansa bilang miyembro ng EU.
Nasa 1,269,501 ang kalamangan ng mga bumoto pabor sa “Brexit”.
Una nang nagsabi si UK Independent Party Nigel Farage marami ang pumapabor na umalis na ng UK sa EU na patunay lamang na marami ang nagnanais na magkaroon na ng pagkakaroon ng “independent United Kingdom”.
Ang pag-alis din sa EU ang nakikitang solusyon ni dating mayor ng London Boris Johnson para makontrol ng Britain ang kanilang gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.