Handa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin pa ang bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Zimbabwe.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos mag-presinta ng credentials si Zimbabwean non-resident Ambassador-Designate to the Philippines Constance Chemwayi sa Palasyo ng Malakanyang.
“I hope that we will find many things to explore,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Handa si Pangulong Marcos na magbigay ng tulong sa Zimbabwe para mapalakas ang sektor ng agrikultura.
“Like you, we are prioritizing agriculture. And in fact, it is both the supply and the price of agricultural commodities. And with that, we talk not only about products but even the inputs such as fertilizer. I think we are all undergoing that,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ginunita ng Pilipinas at Zimbabwe ang ika-43 anibersaryo ng diplomatic relations na una nang naitatag noong Abril 18, 1980.
“I hope that your coming today will be the beginning of that close ties,” pahayag ni Pangulong Marcos.