Belmonte ginawaran ng Presidential Lingkod Bayan Award
Ginawaran ng Presidential Lingkod Bayan Award ng Civil Service Commission si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ito ay dahil sa outstanding performance ni Belmonte bilang isang public servant.
Ginawaran si Belmonte sa 2023 Search for Outstanding Government Workers.
Nilagdaan ni CSC National Capital Region Committee Chairperson Judith Dongallo-Chicano at Committee Members Maverick Sevilla, Joselito Florendo, Hans Alcantara, and Vlademir Villacorta ang lumagda sa parangal.
“Nagpapasalamat tayo sa CSC sa napakalaking karangalang ito. Ngunit ito’y hindi para sa akin kundi para sa lahat ng mga kasama natin sa Quezon City government na naglilingkod ng buong husay sa lahat ng QCitizens,” pahayag ni Belmonte.
”Kung hindi sa kanila, hindi natin matatamo ang pagkilalang ito na nagsisilbing patunay na epektibo at kapaki-pakinabang ang ating mga programa’t proyekto sa ating lungsod,” dagdag ni Belmonte.
Bukod kay Belmonte, nominado rin sa Pagasa Award ang iba pang opisyal ng Quezon City gaya nina City Administrator Michael Alimurung, Chief of Staff Rowena Macatao, Business Permits, at Licensing Department Head Margarita Santos, City Engineer Atty. Dale Perral, at City Treasurer Edgar Villanueva.
Maging ang namayapang traffic enforcer na si Jeffrey Antolin ay nominado sa Dangal ng Bayan Award dahil sa pagbubuwis ng buhay maisalba lamang ang isang commuter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.