129 volcanic quakes, 73 tremors naitala sa Bulkang Mayon
Nasa 129 volcanic earthquakes at 73 na volcanic tremors na tumatagal ng isa hanggang 10 minuto ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 174 na rockfall events at apat na pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.
Naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 3.4 kilometro sa Bonga Gully, 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, at 1.0 kilometro sa Basud Gully.
Nasa 2,689 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 1,500 metro ang taas ng plume. Katamtaman pagsingaw at napadpad ito sa timog-kanluran, timog-timog-silangan at silangan-timog-silangan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.