Bawas-singil ng Meralco ngayon Agosto

INQUIRER FILE PHOTO

Inanunsiyo ng  Manila Electric Company (Meralco) ang mababang singil ng halaga ng kuryente ngayon buwan.

Mababa ng P0.29 per kilowatt hour ang sisingilin ng Meralco.

Nangangahulugan ito ng kabawasan ng P58 sa singil sa kuryente ng mga nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Ayon sa Meralco, sa tatlong sunod na buwan ay bumababa ng P6.39 kWh ang generation charge.

Bunga ito nang pagbaba ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa tag-ulan at mababa ang pangangailangan sa kuryente.

 

 

 

Read more...