Marcos: Walang pangako ang Pilipinas sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin
By Chona Yu August 09, 2023 - 07:02 PM
Itinanggi ni Pangulong Marcos Jr. na may kasunduan ang Pilipinas sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Taliwas ito sa pahayag ng China na nakipagkasundo ang Pilipinas na alisin ang naturang barko ng Philippine Navy. “I’m not aware of any such arrangement or agreement that the Philippines will remove from its own territory its ship, in this case, the BRP Sierra Madre from the Ayungin Shoal,” pahayag ni Pangulong Marcos. Kung sakali man aniyang totoo na may kasunduan ang dalawang bansa, sabi ng Pangulo na kanya na binabawi niya ito. “And let me go further, if there does exist such an agreement, I rescind that agreement now,”pahayag ni Pangulong Marcos. https://twitter.com/chonayu1/status/1689206564102737920?s=20 Taong 1999 pa nakaposisyon ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.