Panalo ni ZaNorte Rep. Romeo Jalosjos Jr., noong 2022 election pinawalang-bisa
Ipinawalang-bisa ng Korte Suprema ang pagkakapanalo ni Romeo Jalosjos Jr. bilang kinatawan sa Kamara ng Unang Distrito ng Zamboannga del Norte.
Inutusan ng Korte Suprema sa Commission on Elections (Comelec) na iproklamang nanalo si Roberto “Pinpin” Uy Jr.
Nagkalaban sa nakaraang eleksyon sina Jalosjos, Uy at isang Frederico Jalosjos na kalaunan ay idineklarang nuisance candidate.
Nakakuha si Uy ng 69,591 boto habang si Jalosjos Jr., ay nakakuha ng 69,109 boto at 5,424 boto si Frederico Jalosjos.
Sa inilabas na desisyon ng Comelec noon, nuisance candidate si Frederico Jalosjos kung kaya ang boto nito ay dapat na mapunta kay Jalosjos Jr.
Dahil dito, dumulog sa Korte Suprema si Uy at kinatigan siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.