Stop! PBBM sa Manila Bay reclamation projects

By Chona Yu August 09, 2023 - 10:24 AM
Ipinasuspindi ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay. Kasunod ito nang pakikipagpulong ng Punong Ehekutibo sa mga lokal na opisyal ng Bulacan. Aniya kailangan na  bigyan   ng sapat na engineering intervention ang ginagawang reclamation projects. Sa ngayon, sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr., na  under review ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isa na itinutuloy ngayon dahil tapos na aniya itong na review. Hindi naman binanggit ng Pangulo kung alin sa limang reclamation projects na ito ang nakasupindi at alin ang nagtutuloy. Ayon sa Pangulo, marami silang nakitang problema sa mga proyekto, kabilang aniya ang hindi masyadong magandang patakbo nito. Aminado ang Pangulo na isa ito sa malaking problema na kailangang ayusin dahil kung matutuloy aniya ang lahat ng reclamation projects na ito maraming ilog ang mababarahan  dahil wala na talagang pupuntahan ang tubig Sa katunayan nga aniya, maging sa Roxas Boulevard sa Maynila  ay wala na ang dagat o mawawala ang dagat kapag nagkataon.

TAGS: Manila Bay, reclamation, suspended, Manila Bay, reclamation, suspended

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.