Kinamusta ni Deputy Majority Leader JV Ejercito ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagpapatupad ng Republic Act 9295 o ang Domestic Shipping Development Act of 2004.
“I just want to ask if you are conducting inspections on domestic ship builders? Have you suspended operators found to have failed to comply with the law?” tanong ni Ejercito. Nakaharap ng senador ang mga opisyal ng MARINA sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa paglubog ng M/B Aya Express sa bahagi ng Laguna de Bay noong Hulyo 27. Nagresulta ang insidente sa pagkamatay ng 27 pasahero. Tinanong din ni Ejercito ang MARINA officials kung may mga naparusahan na ang ahensiya dahil sa paglabag sa naturang batas. Sumagot si MARINA National Capital Region Dir. Marc Anthony Pascual at sinabi na bahagi ng kanilang mandato na magsagawa ng inspections sa lahat ng domestic motorboats sa bansa bago sila nagbibigay ng safety certificate sa operator. Binanggit din ni Pascual na may operators na silang pinagmulta dahil sa kabiguan na makasunod sa safety requirements.MOST READ
LATEST STORIES