Sumabog na ang kinikimkim na galit ng isang bilanggo kayat napatay niya ang isang kakosa sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sumuko si Mark Mengullo sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos mapatay sa saksak ang kapwa bilanggo sa Maximum Security Compound na si Romelito Dural, ng Olongapo City.
Sinabi ni Mengullo na matagal na siyang binu-“bully” ni Dural at nang hindi na niya kinaya ay pinagsasaksak na niya ito.
Isinuko din ni Menggulo, na nasentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa murder noong 2022, ang ginamit na pangsaksak sa 50-anyos na biktima.
Samantala, 2017 pa nang makulong sa Bilibid si Dural dahil sa two counts of attempted homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.