American students balak papag-aralin sa Pilipinas

By Chona Yu August 08, 2023 - 03:59 PM

 

Balak ng Amerika na magpadala ng mga estudyante sa Pilipinas para mag-aral ng nursing courses sa bansa.

Sa courtesy call ni US Senator Tammy Duckworth kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na kinakausap na niya ang embahada ng Amerika para sa posibilidad na magpadala ng kanilang mga estudyante sa Pilipinas.

Ayon kay Duckworth, makatutulong ang pag-aaral ng American students sa nursing schools sa Pilipinas para matugunan ang kakapusan sa nursing programs at residency slots sa Amerika.

Bukas naman si Pangulong Marcos sa partnerships sa US government at nagpasalamat kay Duckworth sa patuloy na suporta sa bansa.

Kabilang rin sa mga natalakay ng Pangulo at US senator ang tungkol sa renewable energy sa harap ng epekto ng climate change at pandemya sa ekonomiya.

 

 

TAGS: america, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, america, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.