Buto ng manok, hindi ng tao ang nakuha sa Bilibid poso-negro
Inanunsiyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na buto ng hita ng manok at hindi buto ng tao ang nakuha sa poso-negro sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ito ni Dr. Annalyne Dadiz, ng NBI – Medico Legal Division, sa pagdinig ng Senate Committee on Justice, na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino.
“We concluded it is not of human origin,” ani Dadiz base sa isinagawa nilang forensic examination sa nakuhang buto.
Kabilang din sa nakuha sa poso-negro ay isang underwear at dalawang lighters.
Ukol naman sa mga inimbitahang anthropologists ng Bureau of Corrections (BuCor) base sa direktiba ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla para masuri din ang mga bagay na nakuha sa poso-negro, sinabi ni UP anthropologist Jonathan Taduran na sinimulan na niya ang kanyang report at ilalabas na ito.
Ikinasa ang pagdinig matapos ang pagkawala ng isang person deprived of liberty (PDL), si Michael Cataroja, sa Maximum Security Compound, na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan, bukod pa sa mga ibang isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.