Ejercito pinababantayan sa PCG, Navy ang Chinese vessels sa Manila Bay reclamation
Hiniling ni Deputy Majority Leader JV Ejercito sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) na magsagawa ng surveillance sa mga sasakyang-pandagat sa Manila Bay na kabilang sa kabilang sa reclamation projects.
Nagpahayag ng pagkabahala si Ejercito sa presensiya ng Chinese vessels sa Manila Bay.
Aniya hindi imposible na kabilang sa sinasabing crew ng mga naturang barko ay intelligence agents ng People’s Liberation Army (PLA) ng China.
“Malamang mga yan din ginamit sa reclamation sa West Philippine Sea. Para na nating niluto sarili natin! Lutong Macau!” diin niya.
Kabilang si Ejercito sa mga senador na naunang kumondena sa “water cannon attack” na ginawa ng Chinese Coast Guard sa isang barko ng PCG sa Ayungin Shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.